San Pedro Calungsod hihilinging gawing patron saint ng OFWs

MAGPAPADALA ng liham sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si dating Philippine Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa upang hilingin na ideklara nito si San Pedro Calungsod bilang patron saint ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Naniniwala si De Villa na bilang isang misyunaryo ay dapat ring magsilbi si Calungsod bilang role model hindi lamang ng mga kabataan, kundi maging ng mga Pinoy migrant.

“We will write the CBCP and ask them to declare Saint Pedro Calungsod as patron saint of OFWs,” ani de Villa, na siya ring chairperson ng church-based election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Iginiit pa nito na hindi lamang dapat na magkasya ang mga Pinoy sa pag-welcome sa ating bagong santo, kundi dapat ay pamarisan ang mga mabuting gawa nito.

“We should not be confined to just welcoming our new saint. We should also pattern ourselves in the way Calungsod lived his life,” ani De Villa, na bahagi rin ng National Commission para sa kanonisasyon ni Calungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply