Sanggol na isisilang ngayon isunod ang pangalan kay Blessed Calungsod – CBCP

NANAWAGAN ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga magulang na isunod sa pangalan ni Blesses Pedro Calungsod ang mga sanggol na ipanganganak ngayon Linggo Oktubre 21.

Dahil dito, umaasa ang CBCP) na maraming sanggol na isisilang ngayon ang ipapangalan sunod kay Blessed Pedro Calungsod kasunod ng canonization nito.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Fr. Conegundo Garganta, isang magandang paraan ng pagkilala para sa ikalawang santo mula sa Pilipinas kung ang mga sanggol na isisilang ay ipapangalan kay Pedro Calungsod.

Sinariwa pa ng pari ang mga panahon na ang mga isinisilang na bata ay isinusunod sa pangalan ng isang santo na lumipas na bunsod ng makabagong panahon.

Sa kabilang banda, mainam pa rin na kung ipapangalan sa isang santo ang batang ipanganganak ay mayroon din itong tamang paggabay mula sa kanilang mga magulang.

Si Blessed Pedro Calungsod kasama ng anim na iba pa ay nakatakdang i-canonize ngayong hapon (4:00 pm sa PHL) sa Vatican kay Pope Benedict XVI.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply