Sangkatutak na trabaho, PNoy ‘di nakadalo sa canonization ni San Pedro Calungsod

NILINAW ni Communications secretary Sonny Coloma na kaya hindi nakadalo si Pangulong Benigno Aquino III sa canonization ni Blessed Calungsod sa Vatican City sa Roma ay dahil sa sangkatutak na gawain nito.

Ipinaubaya aniya ni Pangulong Aquino kay Vice President Jejomar Binay ang pagdalo sa canonization ni San Pedro Calungsod.

Ayon kay Coloma, malaking biyaya at bendisyon sa buong bansa lalo na sa mga Katoliko ang pagiging isang ganap na Santo ni Pedro Calungsod.

Sinabi ni Coloma na lalong nakaka-inspire na kapwa galing sa hanay ng ordinaryong mamamayan ang dalawang Santong Pilipino na kinabibilangan nina Calungsod at San Lorenzo Ruiz.

Ito ay patunay na malakas ang debosyon ng mga Pilipino sa Simbahang Katolika na dapat pamarisan ng mga manananampalataya sa buong mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply