Sarah Geronimo hugas-kamay sa pagpapatalsik sa dating stylists

AYON kasi sa lumabas na tsismis kamakailan, pinatalsik raw ang dalawang stylists dahil kampi ang mga ito kay Gerald Anderson.

Matatandaang kaagad na naglabas ng statement si Viva big boss Vic del Rosario tungkol rito at mariing itinanggi ang issue.

Nang makausap ng entertainment press si Sarah sa Cherry Mobile presscon ay pinabulaanan rin niya ang tsismis.

“Isang malaking miscommunication po talaga,” pagkaklaro ni Sarah. “Alam n’yo, mahal ko po ’yung mga taong ’yun, talagang habambuhay ’yung utang na loob ko po sa kanila hindi mawawala po ’yun at never ko pong… never po naming gagawin sa pamilya namin, lalung-lalo na kami ng nanay ko, na magpapa-ban kami ng mga tao na…

“Naku sino ba naman kaming mga powerful na tao para magpa-ban ng mga stylist? At saka mahal po namin sila. Hindi, hindi totoo.”

Ano ang naging feelings niya sa pagkakadiin ng mommy niya sa issue?

“Siyempre, masakit, nu’ng nabasa ko ’yung magazine, masakit. Napaluha ako kasi never kong in-expect na magkakaganon. Parang out of nowhere, naging ganu’n.

“Pero as long as hindi naman po totoo at malinis naman po, clear po ang conscience po namin ng buong pamilya, walang dapat ikabahala.

“Ang kailangan lang po, personal na makapag-usap-usap para maayos ’yung friendship na meron po kami,” pahayag ni Sarah.

Ano naman ang naging reaksyon ng kanyang ina sa issue?

“Hindi na lang din po niya pinapakita sa akin. Ayoko na pong magbigay ng detalye, basta sana po, maayos as soon as possible,” ani Sarah.

Natanong din ang Pop Star sa estado nila ni Gerald ngayon at dito na tumangging magbigay ng pahayag si Sarah.

“Puwede po bang ’wag muna nating pag-usapan? Basta okay naman po ang lahat at wala naman hong, basta okay po ang lahat. Ayoko na ho sanang pag-usapan pa,” she said.

O, ayan Marian Rivera, masaya ka na…

***

Dingdong Dantes denies Isabelle Daza

NALUNGKOT nang wagas si Dingdong Dantes nang ma-shelve ang gagawin sana niyang series na Haram.

Dalawang araw na siyang nakapag-taping kaya nang malaman niya ang desisyon ng GMA Network, hindi niya ipinagkaila ang lungkot na naramdaman.

“Sobrang nalungkot ako kasi alam ninyo, isa sana siyang proyekto na makapagbubukas ng doors sa buong bansa.Para mas maintindihan, makita at maunawaan kung ano ’yung nangyayari sa pang-araw-araw na buhay ng isang modern Muslim family. Dahil sa nangyayari, global solidarity with our brothers and sisters sa Muslim community medyo lumabo.

“At any rate, maski kinailangang i-shelve, pero personally, nalungkot ako. So, I’m just hoping that it’s not the end na sinabi talagang isi-shelve. In fact, kausap ko si Miss Annette (Gozon-Abrogar) kanina, sabi nga niya, baka naman posible pa siya. ‘We’re not totally saying no.” paliwanag ni Dingdong sa press na kumausap sa kanya after ng presscon ng Tiktik: The Aswang Chronicles na pinagbuhusan rin niya ng atensyon at pera.

Pero same pa rin naman daw ang cast kung saan makakasama pa rin niya si Lorna Tolentino.

“Sana po, sana po. Kumbaga, reding-ready na kaming magkakasama sana. Wala pa po akong alam kung ano ang kapalit,” wish niya.

Kasama raw sa cast si Isabelle Daza.

“Ganon ba? Hahaha! Hindi ko po alam,” nabiglang tugon ni Dong.

Teka, ano ba talaga ang paliwanag sa tsismis sa kanila ni Isabelle?

“Hindi. Basta. Straight out po, hindi totoo!” deklara ni Dingdong.

Friends ba sila?

“Hi, hello! Nagkasama po kami sa isang episode ng Spooky Nights and Bench endorsement. Sa Party Pilipinas, nagkakasalubong kami. That’s it po!” diin pa ng boyfriend ni Marian Rivera.

Anyway, matatag pa rin ang relasyon ni Dingdong kay Marian, lalo na ngayong patuloy na gumugwapo at kumikinis ang actor dahil sa pag-launch sa kanya ng Belo Medical group bilang endorser ng Belo Men.

No wonder, matapang na namang magpakita ng hubad na katawan si Dingdong ngayon, huh?

Vice Ganda numero uno, Ate Gay rumaratsada, John Lapus nalaos???

NOWHERE in sight ang beauty ni John Lapus. Nawawala siya sa limelight. Zero ang kanyang exposure simula nang masibak siya sa GMA 7. This confirms the fact na hindi naman ganon kasikat ang maangas na bading na komedyante.

May kayabangan si John, may hangin sa ulo. Mahilig makipag-away at kung mamarali, akala mo kung sino nang sikat.

How could we forget yung ginawa niyang pagtatago noon sa isang grupo ng PMPC nang dumalaw ang mga ito sa isa niyang taping. Hitsurang nagtago talaga siya na akala mo walang nakita.

Ganon naman talaga si John Lapus, medyo plastik kaya siguro maagang nakarma at nawala sa sirkulasyon.

Si Vice Ganda, ayan at buhay na buhay ang career. Napanood namin yung latest niyang palabas sa mga sinehan at ang daming tao. If this becomes a hit, maaring talunin pa nito ang record ng Praybeyt Benjamin. Mula ito sa direksyon ni Wenn Deramas na talaga namang nakatatawa. Hagalpakan ang mga tao sa sinehan na akala mo talaga, walang katapusan ang career ng bading na ito.

Sana lang, hindi tuluyang yumabang si Ganda para naman hindi siya makarma.

Isa pang bading ang rumaratsada ang career. Ito si Ate Gay na isang Nora Aunor impersonator. Nakatakda ang kanyang concert sa isang malaking venue, at kahit di pa niya mapuno ang venue, aba record na yun.

At dahil ayan at buhay na buhay ang career nina Vice Ganda at Ate Gay, where does this leave John Lapus?

Sa kangkungan na lang siya pupulitin, hindi po ba?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply