Sara’s successful journey in Cambodia

“ADAPTING can be a challenge but it can be also very fulfilling.”- Sara Moya.

Isa sa ipinagmamalaking katangian ng mga Filipino ang pagiging magaling makiangkop. Sinasabing kaya nating makisama at makisalamuha sa iba’t ibang lahi at makipanirahan sa iba’t ibang bansa habang inaabot ang tagumpay at ipinakikilala ang mga katangian natin bilang Filipino.

Sa aking pagbisita sa bansang Cambodia ay nakilala ko ang isang matagumpay na Pinay hotelier roon: si Sara Moya. At minsan pa ay nasaksihan ko ang galing nga mga Filipino sa pakikiangkop.

Tubong Bicol ang pamilya ni Sara subali’t sa kasalukuyan ay sa Cavite na naninirahan ang mga ito.

Nagtapos ng kursong Tourism sa University of the Philippines-Diliman si Sara at nang makapagtapos ay pinili niyang magtabaho sa linya ng mga hotel.

“I’ve been doing sales and marketing for a hotel since I left school,” aniya.

Bago umalis ng Pilipinas at makarating ng Cambodia ay ilang hotel rin sa bansa ang kanyang napagtrabahuhan.

“I was with Hyatt for a long time in the Philippines. I was working for 9 years in the Philippines. Most of it was with Hyatt. Before that I was with Philippine Village at Grand Boulevard,” kwento niya.

Taong 2004, sa rekomendasyon na rin ng isang malapit na kaibigan niya ay nakarating ng Cambodia si Sara upang doon magtrabaho.

Bagama’t sa una ay hindi agad nabighani sa lugar na kanyang pinuntahan, hindi nagtagal ay unti-unti ring napaibig si Sara ng labis na kasimplehan at katahimikan roon.

“Pagdating ko ng Phnom Penh, parang gusto kong bumalik kasi parang imagination ko sa kanya, it was like Gen San in the 60’s, it was very small, parang very old city, 2 days after pumunta ako sa Siem Reap and I love Siem Reap for the first time. Very quaint, very charming ang babait ng mga tao. I really like this place,” dagdag na kwento niya.

Sa isang hotel din doon unang nagtrabaho si Sara nakasama niya roon ang ilan ding mga kababayan nating Filipino.

Sa kabila ng pangungulila sa mga kaanak dito sa Pilipinas, nakatulong sa kanya ang mainit na pagtanggap ng mga tao roon sa kanya. “Hindi ako masyadong nahirapan dito, ang tao kasi mabait din so they like Filipino, mataas ang respeto nila sa mga Filipino,” wika niya.

Hindi nagtagal ay natapos ang kontrata niya, subalit nagdesisyon siyang muling bumalik roon.

Muli ay nakapagtrabaho siya sa isang hotel na kung tawagin ay Park Hyatt Siem Reap bilang Director for Sales and Marketing. Sa susunod na taon pa magbubukas ang nasabing hotel at bilang parte ng opening team nito ay patuloy siyang nagsisikap at nagtatrabahong mabuti.

Nakapagtrabaho rin si Sara sa isang 5 star resort bilang General Manager sa nasabing bansa, kung saan ay naipakita niya ang kanyang husay at galing sa pamamahala.

Sa kasalukuyan ay halos limang taon nang nakikipagsapalaran si Sara sa Cambodia at ayon na rin sa kanya ay patuloy siyang makikipagsapalaran doon para abutin ang iba pa niyang mga pangarap, at para sa mga kababayan natin ‘eto ang payo niya- “If they want to travel they have to make sure that they’re really up their game, work very hard, do their best because it’s also the reputation of your country that’s at stake. You want people to remember Filipinos as responsible good employees, make sure that reputation is maintained.”

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply