SC Justice pinag-iinhibit sa pagdinig sa Cybercrime petition

NAIS ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na mag-inhibit si Supreme Court (SC) Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. Sa paghawak sa 15 petisyon laban sa Republic Act (RA) No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa 4 na pahinang manifestation na inihain ng NUJP, isa sa mga petitioner sa kaso, nangangamba ang grupo na hindi maging neutral o patas si Velasco sa pagdedesisyon sa kaso partikular na sa posisyon nito kaugnay sa online libel.

Si Velasco ay nagsampa ng kasong libelo laban kay Marites Daguilan-Vitug, editor-at-large ng Rappler.com.

Bukod sa NUJP, kabilang sa mga naghain ng petition kontra cybercrime law sina: Louis Biraogo, ALAM party-list, Disini, et al., Sen. Teofisto Guingona III, Adonis, et al., Rep. Palatino, et al., Bayan, et al., Sta. Maria, et al., NUJP, et al., Castillo, et al., Cruz, et al., the Philippine Bar Association (PBA), and Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Pifa, et al., at National Press Club

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply