SC justices aspirants na may mga kaso, di pa rin pwede – JBC

MAAARI pa ring madiskwalipika ang mga aplikante sa bakanteng posisyon ng pagka-mahistrado sa Korte Suprema na may kinakaharap na kaso.

Ito ay ayon kay Atty. Jose Mejia, isa sa miyembro ng Judicial and Bar Council, matapos na hindi maamyendahan ang JBC rules na nagdidiskwalipika sa mga aplikante na may kaso.

Batay sa Rule 4 Section 5 ng JBC, nakasaad na awtomatikong madidiskwalipika bilang aplikante sa isang judicial post ang sinumang may nakabinbing kasong kriminal o regular administrative case.

Matatandaan na sa nakaraang selection process para sa Chief Justice position ay nadiskwalipika si Justice Secretary Leila de Lima bilang isa sa mga aplikante dahil sa kinakaharap na 3 disbarment complaint.

Una nang ipinanukala ni JBC member Cong. Niel Tupas Jr ang pag-amyenda sa nasabing rules dahil sa pagiging unfair sa mga nominado.

Sinabi ni Mejia na wala kasi si Tupas sa kanilang nakaraang pulong kaya hindi ito ulit naisama sa agenda.

Nabatid na isa sa mga aplikante sa associate justice position na si CA Justice Ramon Bato Jr. Ay may kinakaharap na administrative case.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply