SC na wow mali sa TRO kay GMA

PUMALPAK ngayon ang Korte Suprema sa pagbibigay ng interpretasyon hinggil sa inilabas na temporary restraining order (TRO) sa kasong plunder na kinasasangkutan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay matapos na magpalabas ng paglilinaw si Atty Gleo Guerra, tagapagsalita ng Korte Suprema, na nagsasabing hindi talaga kabilang si Arroyo sa October 24, 2012 TRO na inilabas ng SC.

Sa ikalawang paglilinaw na ginawa ni Guerra, sinabi nito na ang temporary restraining order ay para lamang kay dating COA region 5 head Nilda Plaras na kasama rin sa mga isinasangkot sa plunder kaugnay ng maling paggamit sa inteligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office

Magugunita na iginiit ni Guerra na sakop ng ipinalabas na TRO laban sa pagdinig ng Sandiganbayan sa kasong plunder si Gng. Arroyo

Kaninag umaga una ng nagpadala ng mensahe si Guerra sa mga mamamahayag kung saan sinabi nito na kasama si dating Pangulong Arroyo sa mga nakinabang dun sa inilabas na TRO kaugnay sa petisyon ni Plaras.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply