Schedule ng domestic flights walang mababago hanggang Undas – MIAA

IPINAHAYAG ng Manila Intenational Airport Authority (MI’AA) na walang mababago sa schedule ng international at domestic flights.

Ayon sa Flight Operation Center ng MIAA, wala silang inaasahan na problema sa flights mula ngayon hanggang sa Undas.

Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline upang malaman kung may pagbabago sa iskedyul at terminal.

Una nang nagpahayag ang Philippine Airlines at Airphil Express na mayroon silang pagbabago sa iskedyul ng flight at terminals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply