Screening sa mga kandidato sisimulan na

UUMPISAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang “screening” sa mga aspiring candidates na naghain ng kandidatura para sa 2013 senatorial elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., na noon pang Oktubre 6 ay nagsimula nang tumanggap ang poll body ng mga petisyon para sa diskuwalipikasyon, denial of due course at deklarasyon ng nuisance o panggulong kandidato.

Ayon sa poll chief, kaagad nilang ipatatawag ang lahat ng kandidato na kukukwestyunin ang legitimacy ng kandidatura sa isang pagdinig.

Umaasa naman si Brillantes na sa loob lamang ng dalawang linggo ay mailalabas na nila ang pinal na listahan ng mga senatorial candidates na papayagan nilang lumahok sa halalan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply