Seal of disaster preparedness natanggap ng Caloocan

DAHIL sa pagpupunyagi ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na patuloy na maiangat ang kanyang pinamamahalaang lungsod ay natanggap ng lokal na pamahalaan ang “Seal of Disaster Preparedness” na ipinagkaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Echiverri, sa mga nakalipas na taon ay sinimulan ng kanyang administrasyon ang paghahanda sa anumang sakuna na posibleng maranasan sa ating bansa kaya’t bumili ang lokal na pamahalaan ng mga kagamitan, sasakyan at iba pang gadgets para dito.
Kabilang sa mga ito ay ang boom trucks, dump trucks, rescue boats, ambulances, fire trucks, backhoes, aluminum vans, pay loaders, generators, excavators at iba pa na siyang mga magagamit sa panahon ng sakuna.
Dahil dito, nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng “perfect score” para sa Disaster Risk-Reduction Management na naging batayan upang pagkalooban ang lokal na pamahalaan ng Caloocan ng seal of disaster preparedness.
Sinabi pa ng alkalde, umabot sa mahigit kumulang na P150 milyon ang inilaan ng administrasyon ni Echiverri upang mabili ang mga kagamitan, sasakyan at iba pang gadgets para sa paghahanda sa anumang sakuna.
Ipinagmalaki rin ni Echiverri na bagama’t may ilang lugar sa Caloocan City ang binabaha dahil na rin tubig-baha na nagmumula sa mga karatig lungsod sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area ay mabilis din itong nawawala dahil na rin sa mga malilinis na drainage na dinadaluyan ng tubig.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 141 kilometers na drainage canals ang naipagawa at naipaayos ni Echiverri dahilan upang madaling humupa ang tubig-baha sa ilang lugar na binabaha sa buong lungsod.
Inaasahan din ni Echiverri na mas madali na ang gagawing paglikas sa mga residenteng kinakailangang ilikas sakaling magkaroon ng anumang trahedya dahil na rin sa ibinibigay na impormasyon sa mga ito.
Kaugnay nito, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga opisyal ng barangay sa buong lungsod na makipag-tulungan sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan kabilang na dito ang paghahanda sa anumang kalamidad.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply