Seaman sa Cavite, wagi sa 6/45 Mega Lotto

NAPAGPASYAHAN na lang na magtayo ng negosyo at tuluyan nang magretiro bilang seaman ang isang 44-anyos na Caviteno makaraang kubrahin nito ang mahigit P4 milyong jackpot prize na solong napanalunan sa 6/45 Mega lotto na binola noong Oktubre 10 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Kamakalawa ng hapon ay personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II sa mapalad na seaman mula sa Tanza, Cavite ang tsekeng may kabuuang halagang P4,500,000.00  matapos solong makuha ang kombinasyong 17-12-23-42-31-10 na kinuha mula sa petsa ng kapanganakan ng mga miyembro ng kanyang pamilya.

Wala namang nakakuha sa mahigit P73 milyong jackpot prize ng 6/55 Grand lotto makaraang hindi masapol ang lumabas na kombinasyong 34-54-08-25-07-47 na binola kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Rojas, tiyak na papalo na sa P80 milyon ang premyo ngayong gabi ng 6/55 Grand lotto kaya’t inaasahan na nila ang mahabang pila ng mga magbabakasakaling maging instant milyonaryo sa mga lotto
outlet.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply