Second term ni Mayor Herbert Bautista

TIYAK na tiyak na, parekoy, na uupuan muli ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang pangalawang termino hanggang 2016.

Nang magsarado ang oras ng filing ng Certificate of Candidacy noong Biyer-nes, walang sersoyong kumandidato sa pagka-mayor ng Kyusi kontra kay Bistek.”

Ibig sabihin, parekoy, ang malalaking tao at mga seryosong pulitiko sa Quezon City ay kumbinsido sa kasalukuyang pagpapatakbo ng City Hall.

O kaya, halos alam na nila na dahil sa mga proyektong ipinatupad sa Lungsod na ito ay imposibleng talunin si Bistek sa mga panahong ito . . .eh bakit pa nga naman sila kokontra? Di ba?

Kaya nga, masasabi natin na ang husay sa pagpapatakbo ng pamahalaan ay hindi maibabatay sa edad ng lider.

Tingnan nyo, parekoy, sa Maynila, d’yan na pumuti ang buhok ni Mayor Lim pero ngayon pa lang ay halos “silip” na ang panalo ni Erap.

Kasi nga, nilalayasan na si Lim ng kanyang mga kaalyado.

Sa ganitong kaganapan, makikita natin, parekoy, na hindi natumbok ni Lim ang tamang pamamalakad at mga proyekto gaya ng ginawa ni Bistek!

Ayon sa ilang taga City Hall, dahil sa kaganapang ito ay muling nagbigay ng babala si Bistek sa mga empleyado.

Na ang ibig sabihin na wala silang kalaban ay maaari na silang magpatumpik-tumpik sa pagbibigay ng serbisyo.

Dahil hindi nila dapat sayangin o samantalahin itong panibagong tiwala ng mga taga Quezon City sa administrasyon ni Mayor Bautista.

Bagkus ay dapat nila itong suklian ng ibayo pang pagsisikap para patunayan na sila ay karapatdapat nga sa panibagong tiwala ng taumbayan!

Ito naman ang masasabi ko: Mayor, minsan lang akong sumaludo sa isang lingkod-bayan, sana ay hindi kayo magbago ng estilo at serbisyo! Ops, muntik kong makalimutan, Mayor, baka magkamali kang tumulong sa mga Konsehal na may mga alagang multo. Nakopow, masisira ka niyan! Hak, hak, hak!!!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply