Security guard dinukot, tinortyur ng militar

DINUKOT at tinorture ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang isang security guard, ang kanyang asawa, anak at manugang noong gabi ng October 5 sa Lungsod Quezon.

Napagkamalan ng mga elemento ng 2nd Infantry Division si Rolly Panesa, guwardiya ng Megaforce Security Service bilang si Benjamin Mendoza, sinasabing kalihim ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan.

Tinalian at piniringan si Panesa at buong pamilya, at kinuha rin ang bagong Toyota Vios ng kanyang anak habang ibinabiyahe papuntang Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.

Pasa-pasa ang mukha at dumudugo ang bibig at tenga ni Panesa noong nakita ng kanyang asawa kinabukasan, habang nakapiring pa rin ang kanilang anak at manugang.

Sa ikatlong araw sa kanilang pagkakadukot, October 7, araw ng Linggo, ipinalabas ng AFP ang isang press release na nagsasabing nahuli nila si Mendoza.

Subalit ayon sa grupong Karapatan, ang totoong Mendoza ay animnapu’t isang taong gulang samantalang si Panesa ay apatnapu’t walong taong gulang lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply