Security plan ng MPD para sa Undas kasado na

KASADO na ang security plan ng Manila Police District (MPD) para sa Undas.

Ito ang sinabi ni MPD Director Chief Supt Alejandro Gutierrez sa isinagawang press conference sa MPD headquarters kahapon.

Sa pagpupulong sinabi ni Gutierrez na magtatalaga sila ng mga pulis sa mga sementeryo sa Maynila na tiyak na dadagsain ng mga tao.

Bukod sa detailed police sa mga sementeryo, makikipag-ugnayan din ang kapulisan sa mga barangay kung saan kapwa nagtutulungan sa pagpapatrulya para mapanatili ang peace and order sa kanilang lugar habang ang iba ay nasa sementeryo .

Sinabi rin ni Gutierrez na nakapaghanda na ang kapulisan sa pagtatapos ng bar examination sa University of Sto Tomas (UST).

Samantala, ipinagmalaki rin ni Gutierrez na sa kanilang huling datos mula Enero hangang Oktubre na sa bilang na 54 na mga police encounter sa kanilang operasyon ay may kabuuang 39 ang kanilang nakumpiskang mga baril habang 35 dito ang kanilang napatay na mga holdaper.

Pinasinungalingan din ni Gutierrez ang umanong sinabi ni dating President Joseph Estrada na ang Maynila ay “kidnap fun city”  dahil walang naitalang insidente ng kidnapping sa Maynila.

Dagdag pa ni Gutierrez na sinampahan na rin nila ng kaso ang tatlo pang estudaynte ng Far Eastern University (FEU) na kinilalang sina April Boromeo, Danica Suba at Danica Ortega na nasasangkot sa pananaksak sa isang UST student.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply