Seguridad ng mga biyahero tiniyak ni PNoy

SINIGURO ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na ligtas ang mga bibiyahe patungong lalawigan kaugnay ng pag-obserba ng Araw ng mga Patay.

Sa katunayan ay personal na binista ni Pangulong Aquino ang mga pangunahing terminals sa bansa kabilang na rito ang domestic departure areas ng Terminal III sa Ninoy Aquino International Airport at PhilTranco Bus Terminal sa Pasay City.

Bukod dito ay dinagdagan din ang mga pulis at sundalo upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.

“Makakaasa po kayo na mananatiling alerto ang inyong gobyerno sa pagbabantay at pagsisilbing gabay sa inyong paglalakbay ngayong Undas. Pinaigting natin ang seguridad sa ating mga paliparan, daungan at estasyon ng mga pangunahing transportasyon sa bansa. Nagtalaga na po tayo ng karagdagang pulis at sundalo upang matiyak ang maaliwalas na pagluwas ng ating mga kababayan at upang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng manlalakbay,” ayon kay Pangulong Aquino.

Sa naging menshae ng Punong Ehekutibo ay sinabi nito na mahalaga sa kanya ang magkaroon ng pagkakataon ang isang pamilya na magkasama-sama upang gunitain ang Araw ng mga Patay.

“Ang pamilya ang matatag na pundasyon ng ating bansa. Maigting na binubuklod ang Pamilyang Pilipino ng paggalang sa ating mga ninuno at mga namayapa,” aniya pa rin sabay sabing  “Nawa’y maging mapayapa at ligtas ang maging pagdaraos ng Undas ngayong taon.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply