Seguridad ng website ng PPCRV hinigpitan

HINIGPITAN na ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang seguridad ng kanilang website matapos na salakayin ng mga hacker.

Ayon kay PPCRV chairperson Henrietta de Villa, ang pag-atake sa kanilang website ay isinagawa nitong Linggo, kasabay ng iba pang pangunahing government websites, sa gitna na rin ng mga protesta sa kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa kabila naman nito ay positibo pa rin si De Villa at sinabing prayoridad nila sa ngayon na palakasin ang seguridad ng kanilang information technology systems para hindi na maulit pa ang pag-hack dito.

Ani De Villa, isang magandang pagkakataon rin ito upang maiaplay nila ang kinakailangang seguridad sa kanilang website at palitan ang disenyo nito upang gawing higit na attractive at interactive.

Hindi naman matiyak ng PPCRV kung ang pag-atake ay konektado sa lumalalang galit laban sa anti-cybercrime law.

Nagpahayag rin si De Villa ng pagkalungkot dahil ilang IT experts ang gumagamit ng kanilang kakayahan sa maling pamamaraan.

“Our IT was really annoyed that even the PPCRV website was not spared from the attack. But I told them to view it in a positive way because it means that we are already important,” ani De Villa.

“For me, this is also a wakeup call and it’s now the time for us to change our website. The election is also approaching so this is the chance,” pahayag pa ni de Villa.

Inaasahan naman umanong magbabalik na online ang PPCRV website ngayong linggong ito matapos na maayos ang bagong disenyo nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply