Seguridad sa Bangsamoro signing, tiniyak ng PNP

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa Bangsamoro signing bukas October 15, Lunes.

Ayon kay PNP Spokesperson Generoso Cerbo, inilagay na nila sa heightened alert ang buong rehiyon ng Luzon at Visayas habang nasa ‘full alert status’ naman ang Mindanao partikular na ang Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).

Mananatili alert status sa mga nabanggit na lugar ng dalawang araw, bago ang paglagda sa Bangsamoro Framework Peace Agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang hakbang na ito ng PNP ay sa harap na rin ng banta ng grupo ni MNLF Chairman Nur Misuari na maghahasik ng karahasan bilang pagtutol sa Bangsamoro Peace Agreement at maging ang breakaway ng MILF mula sa grupo ni Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Commander Ameril Umbra Kato.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply