Seguridad sa Bar Exams sa UST, tiniyak ng MPD

HANDANG-HANDA na ang kapulisan sa ipatutupad na seguridad sa gagawing Bar Examinations sa University of Sto. Tomas o UST na magsisimula sa Linggo, October 7.

Sinabi ni Manila Police District Director, Chief Supt. Alex Gutierrez, ngayon na nagkasundo sila ng Korte Suprema na ang mangangasiwa ng seguridad sa loob ng UST ay ang National Bureau of Investigation habang sa labas at palibot ng unibersidad ay ang mga tauhan MPD.

Tig-20 tauhan, aniya, ang itatalaga upang magbantay sa bawat gate ng UST para matiyak ang kaayusan at maiwasan ang pagdanak ng gulo gaya ng naganap noong 2010 nang mauwi sa pagsabog ang huling araw ng pagsusulit na idinaos sa De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila.

Umapela naman si Gutierrez sa mga fraternity ng mga law school na iwasan na ang pagsasagawa ng bar operations nang sa gayon ay maiwasan ang posibleng kantiyawan na maaring mauwi sa kaguluhan.

Ang mga law school fraternity ay pinayuhan din ni Gutierrez na magtipon na lamang sa ibang lugar para doon na lamang salubungin ang pagdating ng mga kasamahan sa grupo na kumuha ng Bar Exams.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply