Seguridad sa Metro Manila, kasado na ng NCRPO

IKINASA na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang ipinapatupad na seguridad sa Metro Manila para sa gagawing paglagda sa Framework Agreement mamayang hapon sa Malacañang.

Ayon kay NCRPO Chief Leonardo Espina, maliban sa kalakhang Maynila ay
todo-alerto na rin ngayon ang iba pang pulisya sa Davao at Cagayan De Oro City kasunod na rin ng ilang bomb threat doon.

Samantala, tiniyak ni dating Leader ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari, na hindi niya pakikialaman ang paglagda sa Framework Agreement sa kabila ng pagtutol niya dito.

HIndi pa rin kampante ang pamahalaan sa grupo dahil nagbitiw ng pagbabanta si Misuari na mag-uugat sa digmaan ang framework agreement sa Mindanao.

Kaugnay nito tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa
Bangsamoro signing ngayon October 15, Lunes.

Ayon kay PNP Spokesperson Generoso Cerbo, inilagay na nila sa heightened alert ang buong rehiyon ng Luzon at Visayas habang nasa ‘full alert status’ naman ang Mindanao partikular na ang Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply