Security plan sa mga pantalan para sa Undas kasado na

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakalatag na rin ang seguridad sa lahat ng pantalan sa buong bansa para sa paghahanda sa paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa.

Ayon kay PCG spokesperson, Commander Armand Balilo, inalerto na nila ang lahat ng kanilang K-9 unit at magpapakalat ng mga plaint cloth sea marshall sa mga pantalan..

Kabilang sa kanilang tututukan ang pier ng Maynila at Batangas port na inaasahang daragsain ng libu-libong pasahero na magbabakasyon sa mga lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply