Seguridad sa Sto. Niño Church sa Tondo hihigpitan bukas

MAGPAPATUPAD ng mahigpit na seguridad sa Sto. Niño Church sa Tondo, Maynila dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao para saksihan ang mga aktibidad at programa kaugnay ng canization ni Blessed Pedro Calungsod sa Vatican, bukas.

Sa katunayan, nagdagdag ng seguridad ang Manila Police District sa paligid ng naturang simbahan upang matiyak na magiging maayos at payapa ang isasagawang programa na isasabay sa pagdedeklara kay Blessed Calungsod bilang pangalawang santo na mula sa Pilipinas.

Ang Santo Niño Church ay isa sa napaili na pagdadausan ng programa at ilang mga kabataan din ang napiling magsasadula ng buhay ni Blessed Calungsod na simbolo rin ng mga kabataan .

Bukod sa nasabing selebrasyon o programa ay magsasagawa rin ng misa ang parokya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply