Seguridad sa tanggapan ng Comelec hinigpitan

MANILA — Muling hinigpitan ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga aapelang partylist group na tatangalin para sa 2013 midtern elections.

Ayon kay MPD spokesman, Chief Inspector Erwin Margarejo, nais nilang maiwasan ang anomang karahasan sa pag-apela ng mga partylist na maaaring mawala sa listahan ng poll body.

Kahapon, ay dalawang partylist sa Kamara ang tinanggal ng Comelec sa listahan ng mga sasabak sa halalan.

Ang pagkakatanggal sa partylist ay makaraang mapatunayan na hindi kumakatawan sa marginalized sector ang 1-Care at Apec partylist groups.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply