Seguridad sa Undas at Kapaskuhan pinaghahandaan na

PINAGHAHANDAAN na ng mga Metro Manila police ang seguridad sa nalalapit na Undas at Kapaskuhan.

Nais ni Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina na tiyakin ang kaligatasan ng mga tao na dadagsa sa mga sementeryo at sa mga matataong lugar tuwing Kapaskuhan gaya ng mga mall at pasyalan.

Binalaan pa ni Espina ang mga pulis na mahuhuling natutulog sa pansitan kaya naman nais niyang seguraduhin na nakaalerto ang kanyang mga tauhan sa Undas at Kapaskuhan.

Kaugnay nito, inaasahan ni Espina na magsasagawa ng regular na pag-iinspeksyon ang limang police districts na nasa ilalaim ng kanyang liderato sa mga police community precinct.

Nito lamang nakaraang linggo, nasibak ang isang opisyal ng Eastern Police District (EPD) dahil sa hindi pagresponde sa reklamo ng isang taxi driver na natangayan ng kanyang kita at ng kanyang ipinapasadang taksi sa may tatlong holdaper.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply