Seguridad sa Undas nakakasa na sa Sultan Kudarat

Tacurong City – Ilang araw nalang ay nalalapit na ang paggunita sa Araw ng mga Patay.

Tiniyak ng Pambansang Pulisya na pinaghahandaan na nila ang inaasahang bubuhos na naman na mga tao sa sementeryo.

Ayon kay PNP provincial director P/SUPT. Rolen dela Cruz Balquin PESE, mas pinaigting nila ang police visibility sa mga sementeryo upang matiyak ang kaligtasan ng mga magtutungo roon.

Inihayag din ni Balquin na magkakaroon din ng contingency force para sa mga pasaherong uuwi ng probinsiya sa All Saints’ Day.

Dagdag pa ng opisyal, maging ang mga alternatibong transportasyon ay nakahanda na rin dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga biyahero sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.

Muling ipinaalala ni SSupt.Rolen D.Balquin PESE sa publiko na iwasan ang pagdadala ng deadly weapons sa mga sementeryo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply