Sekretarya hinoldap sa loob ng opisina

KULONG ang isang lalaki matapos pasukin at holdapin ang isang sekretarya sa loob ng opisina ng huli sa Caloocan City kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Manuel Astebe, 22 ng Sangandaan ng  lungsod.

Batay sa ulat, alas-8:20 ng umaga, nasa loob ng opisina ng Worklitz Manpower Services sa A. Mabini ng lungsod si Donna Mae Lasapin, 33 nang pasukin at tutukan ng patalim ng suspek.

Kinuha ng suspek ang tatlong cellphone ng biktima bago tumakas habang nagsisigaw pahabol ang biktima.

Nakita ng barangay tanod ang pangyayari na naging dahilan upang habulin at madakip ang suspek.

Nabawi naman ang mga cellphone ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply