Sekyu kulong sa pagwawala

KULONG ang isang sekyu matapos magwala at hinahabol ng saksak ang mga nagdaraan sa Caloocan City kagabi, Oktubre 23.

Nakilala ang suspek na si Ronald Fortaleza, 31, ng Tatampal Alley, ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, nagwawala ang suspek sa Tulya Alley kung saan nanghahabol ng saksaksa mga nagdaraan na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay inabutan pa ang suspek na nagwawala na naging dahilan upang pagtulungan hanggang maposasan.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagwawala ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply