Sekyu pinagbabaril sa Pateros, dedo

PATAY ang isang security guard nang pagbabarilin sa harapan ng isang videoke bar ng isang grupo ng mga kalalakihan na gumawa ng kaguluhan kahapon ng madaling araw sa bayan ng Pateros.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Jorge Cabanero, 28, residente ng 33 Niugan Alley 17, Barangay Sta Ana sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspect na nakilala lamang sa mga alyas na Edward at kapatid na Junjun, Isay, Jade Arman at lima pang hindi nalaman ang pangalan na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Hindi na rin sila inabutan sa kanilang tirahan sa Maya St., Barangay Rizal sa Makati City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Pateros Police Station na ipinadala sa Southern Police District, naganap ang krimen dakong alas-3:30 ng madaling araw sa harap ng Mekay KTV Bar sa may Bagong
Calzada Street, Brgy. Martirez, ng naturang bayan.

Ayon kina PO1 Frederic Ignacio at Rodel Espanto, nagpapatrulya sila sa naturang lugar nang makatanggap ng paghingi ng saklolo buhat sa manager ng naturang bar hinggil sa naganap na barilan.

Hindi na inabot ng pulisya ang mga suspek kaya’t dinala kaagad nila ang duguang biktima sa pagamutan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply