Sekyu todas sa agaw armas

DALAWANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang sekyu na hinihinalang pinatay ng ‘agaw armas’  kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na report ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay nakilalang si John Golondrina.

Si Golondrina ay nakitang nakabulagta sa likod ng isang nakaparadang truck sa binabantayang gusali sa may Abad Santos Street sa nasabi ding lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumilitaw na nawawala ang .38 revolver service pistol ng biktima na umanoy target ng mga suspek.

Ilang residente naman sa lugar ang nakarinig ng dalawang putok mula sa lugar ngunit hindi nila nakita ang suspek.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply