Seloso at nambubugbog na mister tinaga ni misis, patay

NAGDILIM ang paningin at hindi na napigilan ng isang ginang na may walong anak ang labis na paninibugho ng kanyang mister na madalas na nauuwi sa bugbugan kaya pinagtataga niya ito hanggang sa mapatay ng muling umandar ang pagiging seloso ng lalaki sa Sagay City, Negros Occidental, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, dagliang kamatayan ang inabot ng biktimang si Jimmy Sagundo residente ng Barangay Babriera, Sagay City, ng nabangit na lalawigan.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang ginang na nakilalang si Nilda Sagundo, residente rin ng nabangit na lugar dahil sa pagpatay sa kanyang mister .

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Sagay PNP, naganap ang krimen habang nagdiriwang ng kaarawan ang kanilang anak kamakalawa ng gabi kung saan muling nag-away umano ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng mister sa kanyang misis.

Sinabi naman ng suspek na madalas siyang saktan ng mister dahil sa sobrang pagseselos nito kahit na may walo na silang anak at 20 taon ng nagsasama.

Sa huling away ng dalawa, hindi na natiis pa ng babae ang pambubogbog ng mister kung kaya’t nagawa nitong tagain ang lalaki.

Nakakulong ngayon sa Sagay City PNP ang misis at matapos na kusang sumuko sa Silay City Police na maga pa ang mukha at tadtad ng pasa sa buong katawan pagdating sa himpilan.

Kwento nito, nagdilim ang kanyang paningin sa galit nang suntukin umano siya ng asawa na lasing. Hindi na umano niya masikmura ang panggugulpi sa kanya ng asawa kaya kinuha niya ang itak at pinagtataga
ang mister.

Ayon sa ginang, hindi umano siya nagsisisi sa ginawa sa mister dahil tinangka na umano siyang patayin nito dahil sa sobrang selos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply