Sen. Recto umalma sa mga kritiko

INALMAHAN ni Senate ways and means committee chairman Sen. Ralph Recto ang mga bumabatikos sa kanya dahil sa kanyang bersyon sa Sin Tax bill, na naglalayong taasan ang pagbubuwis sa alak at sigarilyo.

Ipinagtaka ni Recto ang reaksyon ng nakararami kabilang ang mga kasamahang senador laban sa kanyang rekomendasyon samantalang committee report pa lamang ito at dadaan pa sa maraming amendments.

Anang senador, maliban sa pagsasalang sa committee at individual amendments, maaaring may pagbabago pa ang panukala sa oras na sumalang sa bicameral conference committee ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Mahaba pa to, pag-usapan pa to.. hindi dapat maging mainit ang ulo natin dito,” ayon kay Recto.

Gayunman, pinanindigan ni Recto ang kanyang bersyon na kikita ng hanggang sa P20 billion sa unang taon ng implementasyon na aniya’y “realistic” kung ikumpara sa target na P60 billion ng Malakanyang na tinawag naman niyang hindi makatotohanan.

Pasaring ni Recto sa bersyon na suportado ng Malacañang, paano ka kikita ng malaking buwis samantalang tinaasan mo ang presyo ng naturang mga produkto na magreresulta sa pag-iwas ng consumers na bumili.

Sa committee report ng senador, ang mumurahing sigarilyo ay papatawan ng 121-percent increase na buwis o P6 bawat pakete mula sa kasalukuyang P2.72 na buwis, habang ang mid priced cigarettes ay papatawan ng 32-percent increase na maging P10 mulasa P7.56, habang ang mga mamahaling sigarilyo ay papatawan ng 17-percent increase mula P12 patungong P14 tax bawat pakete.

Malayo ito sa bersyon na isinusulong ng Malacañang na sa mumurahing sigarilyo dapat hanggang sa P14 ang ipapataw na buwis na mas malayo sa P6 lamang ni Recto.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply