Senador Enrile at Trillanes, malabong magkasundo

DAHIL sa kapwa umiiral ang prinsipyo sa kani-kanilang pagkatao, malabo  nang magkasundo ngayon si Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Antonio Trillanes.

Ayon sa pahayag ni Senenator Trillanes, na kung prinsipyo ang pag-uusapan ay malabo na talagang magkaayos sila ng Senate Presidente matapos ang kanilang bangayan sa plenaryo kamakailan.

Kasabay nito, nilinaw ni Trillanes ang akusasyon sa kanya ni Enrile na kinopya nito ang panukalang batas na archipelagic baseline law na sinabi ng batang senador na nauna siyang naghain nang nasabing batas
sa senado.

Giit ni Trillanes, paulit-ulit na lamang na nagsisinungaling si Enrile kaya naman hinahamon nito na patunayan ang kanyang mga paratang.

Kasabay nito, itinanggi ni Trillanes na gumagawa siya ng hakbang para magkaroon ng kudeta sa pamunuan ni Enrile.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply