Senglot na kelot nakipagkarera sa convoy ng PSG, kalaboso

ISANG lalaking lasing ang nahaharap sa kaso makaraang makipagkarerahan sa convoy ng Presidential Security Group sa Manila kaninang madaling araw.

Ayon sa report sa radio, nagpositibo sa alkohol ang suspek na si Mark Jason Hanopol, medical representative, nang sumailalim sa  medical examination.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang tinangka ng suspek na sakay ng kanyang sasakyan (XMN-769) na mag-overtake sa mga sasakyan ng convoy ng PSG.

Inihahanda na ng pulisya ang isasampang kasong reckless driving at driving under influence of liquor laban kay Hanopol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply