Senglot na sekyu sumemplang sa motor, sugatan

SUGATAN ang isang rider matapos na sumemplang ang kanyang motorsiklo sa may Kalaw St, sa Maynila, Huwebes ng madaling araw.

Agad na dinala sa ospital ang biktimang si Ronnie Agcawili, sekyu, na nagtamo ng sugat sa katawan.

Sa report, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid na nakainom ang biktima nang sumemplang sa sinasakyang motor at nagpagulong-gulong pa ng ilang metro.

Ayon sa ilang nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo ng biktima bago ito makitang naaksidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply