Senglot umihi sa tabi ng hawla, kinagat ng unggoy na nakakulong

NAWALA ang pagkalasing ng isang lalaking umiihi sa pader nang biglang sakmalin ito ng unggoy na nakakulong sa hawla sa Tacloban City nitong Sabado ng gabi, Oktubre 6.

Inobserbahan ngayon sa Eastern Visayas Regional Medical Center(EVRMC) dahil baka may rabies ang malalim na kagat sa kanang kamay ng biktimang si Lito Dosal, 30 anyos, at residente ng Pampango, Tacloban City.

Balak naman ipaalaga na lamang ng hindi pinangalanang may-ari ng unggoy sa may awtoridad sa hayup ang naturang unggoy dahil marami-rami na rin ang nakakagat nito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 11:30 nitong Sabado ng gabi sa bahay ng kumpare ni Dosal sa may Barangay 6-A Barangay Sto. Nino.

Bago ito, nag-iinuman ang biktima at ang may alaga sa naturang unggoy na kanyang kumpare at sa maikling oras ay naka-konsumo na ng maraming serbesa.

Tinawag ng kalikasan, pasuray-suray na naglakad si Dosal patungo sa pader para umihi.

Lingid sa biktima, ang pader na kanyang iniihian pala ay katabi lamang ng kulungan ng naturang unggoy.

Kaya hindi pa man ito halos natatapos umihi nang bigla itong sakmalin ng naturang unggoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply