Senior Citizen na ang NPC at sugal sa R-8 centralized

HAPPY 60th anniversary sa National Press Club!

Ngayong araw, parekoy, ay opisyal na ang pagiging Senior Citizen ng NPC.

Pero hindi ganun kadali para sa NPC ang maging 60.

Dahil bago ito ay duma-nas muna ang NPC ng matinding batikos mula sa iilan na naglilinis-linisan.

Gayunman, nananatili tayong naniniwala, parekoy, sa kasabihan na kung mamayani man ang kasamaan, ito ay pansamantala lamang.

Sa ngayon ay balik normal na muli ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng National Press Club, hindi lamang sa kanyang mga miyembro kundi sa lahat ng lumalapit dito na nangangailangan!

Sa mga opisyal ng NPC na hindi alintana ang mga paninira alang-alang sa ikatatatag ng NPC, saludo po ako sa inyo!

Kaming mga ordinaryong kasapi ay patuloy na umaasa na sa darating pang mga taon ay patuloy na aagos mula sa National Press Club ang magagandang ideya sa ikasisigla ng samahan at pagkabigkis lalo ng magkakapatid sa propesyon!

-o0o-

CENTRALIZED pala ang “tong-pats” sa iligal na sugal sa area ni RD Gen. Elmer Soria.

Ibig sabihin ng “tawiwit” ay direkta umano ang pakikipag-usap ng mga gambling lord sa Regional level ng kapulisan.

Kaya namamayagpag ang “Swertres” sa Region 8!

Noong Biyernes ay ibinulgar na natin ang ilan sa gambling lord kung saan nangunguna si Bernie Tacoy na may iligal na sugal sa Kanangga,  Ormoc City, Barugo at Albuera.

Si Noli Go naman ang may hawak sa Tacloban City, Palo, Capoocan, Alang-alang, Merida Tunga, Carigara, Leyte-

leyte at  bahagi ng Ormoc City.

Sa Western Samar ay hawak rin ni Noli Go ang Caibiga, Sta. Rita at Villareal at solo niya ang operasyon ng “swertres” sa buong Eastern Samar. Kasosyo naman ni Tata Granados sa buong Catarman si alyas Mayor Capo.

Samantalang si Fitch Chu ang namamayagpag sa Jaro, San Miguel, Palo (Leyte 1st Dist.) at sa maraming bahagi ng Leyte 2nd District.

Araw-araw, Gen. Soria, ay kumpletong ilalathala ko ang pangalan at area nila.

-o0o-

REACTION / SUMBONG
0915212130309098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply