Seryoso ang BoC

WALA tayong masabi at bilib na bilib tayo sa kasipagan at kaseryosohan ngayon ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs.

Talaga namang sila’y tumatrabaho. Patunay ay ang sunod-sunod na nasasakoteng hot items na nais ipalusot ng mga smuggler sa Aduana.

Mapapansin din na dumami ang nahuhuling smuggled goods sa waterfront  mula nang italaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa BOC si Comm. Ruffy  Biazon.

Kung ano-anong produkto ang nabigong ipuslit ng mga kawatan diyan sa Aduana para madaya ang pamahalaang Aquino ng tamang buwis.

Bigas, sibuyas, pekeng mga produkto at maging ang droga ay tinatangkang ipuslit sa pamamagitan ng mga daungan at NAIA.

Subalit sa liderato ni Biazon, ‘di nagtagumpay ang maraming pagtatangka ng mga law breaker dahil ang kanilang hot goods ay nasasakote.

Ilang araw pa nga lang ang nakalilipas ay muli na namang umiskor ang mga tauhan ni dating Muntinlupa Congressman Biazon.

Tumataginting na P40 million na halaga ng kalapi at peking ducks ang nasabat ng BOC agents na tinangkang ipuslit sa Aduana.

Ang nasabing mga item ay nakakarga sa dalawang container at inihalo sa mga mackerel na pag-aari ng HEXA Trading galing sa Tsina.

Ipinagbabawal ang pag-iim-porta, pagbebenta at pagkain ng peking ducks dahil sa posibleng sakit na hatid nito gaya ng bird flu.

Nabuko ng BOC ang kontra-bando bunga ng kautusan ni Biazon na maging alerto sa
loob ng 24 oras ang kanyang tauhan sa loob ng pitong araw.

Nakatulong din sa kaalertuhan ng mga tauhan ni Biazon ang x-ray scanners para mabuko ang tunay na lamang ng kontrabando.

Maliwanag pa sa araw na talagang seryoso si Biazon at mga tauhan sa paglaban sa smuggling. Mabuhay kayo!

HAMON KAY COL. ACIO

Patuloy ang pandededma ni Col.

Rosauro Acio sa panawagan na aksiyonan ang lumalalang ope-rasyon ng STL-con jueteng sa Batangas.

Ito ang mga operator ng bookies – Jun Ocampo, Dama, Cancio, Dexter, Ed Villanueva, Obet Malabanan, Angel, Kanor at Teryo – lahat sa Tanuaun. Virtucio, Kap Ineo at  Kap. Indo sa San Jose; Kap. Nelson at  Fress sa San Juan; Minda sa Bauan; Nene sa San Pascual; Oslo sa Mabini; Alex San Roque, Jojo San Roque at Mario San Jose sa Sto. Tomas.

Col. Acio, kumilos ka naman.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply