Shell Eco-Marathon

MULING binuksan ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation ang oportunidad para sa mga estudyante na maipakita ang kanilang galing at maitayo ang bandera ng ating bansa sa katatapos lang na Shell Eco-Marathon exhibition launch sa Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) Annual National Convention sa SMX Convention Center, Pasay City.

Ang Shell Eco-Marathon ay isang annual competition na bumubuo ng mga grupo ng estudyante mula sa iba’t ibang bansa na bubuo ng isang energy-efficient vehicles. Ginagawa ang kompetisyon sa Amerika, Europe at Asia kung saan ang mananalo ay ang team na makakagamit ng pinakakaunting energy.

Samantala, ang mga nanalo sa Shell Eco-Marathon na ginawa sa Sepang Malaysia ay binigyan ng pagkakataon na maipakita sa mga Pilipino ang kanilang nilikha at nagkaroon din sila ng demonstration run na ipinakita sa SMX grounds.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply