Shoe Caravan sa Marikina tagumpay

NAGING matagumpay ang inilunsad na Choe Carvan dajil sa patuloy na pagtangkilik ng mga residente at mga dumayo para sa produktong sapatos na gawang Marikina.

Dahil dito ikinagalak ni Marikina Mayor Del De Guzman ang patuloy na pangtangkilik ng mga residente at maging mga bisita ng lungsod sa mga produktong sapatos na mabibili lamang sa mababang halaga simula nang mag-simula ang Sapatos Festival 2012 at pasinayaan ang one-stop shop na Patio Del Zapateros noong ika-10 ng Setyembre.

Sa ikatlong linggo ng pagdiriwang (Setyembre 24-30), naitala ang kabuuang kita ng may 43 magsasapatos na P1,0422,39.

Nauna nito, noong unang linggo (Setyembre 10-16) ay nakapagtala ng kita na P1,855,748.25, at sa ikalawang linggo (Setyembre 17-23) ay P3,710,282. Sa pangkalahatan, nakapagtala ng P6,608,269.25 na kita ang mga magsasapatos na katumbas ng 33% ng kabuuang target na kita na P20 milyon para sa pagdiriwang ng Sapatos Festival ngayong taon.

“Nagpapasalamat tayo sa bawat isang bumili at patuloy na bumibili ng sapatos na gawang Marikina. Dahil sa kanilang pagtangkilik ay nananalig tayo na muling sisigla ang industriya ng sapatos ng lungsod,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Samantala, opisyal nang binuksan noong ika-1 ng Oktubre ang Sapatos Central sa Marikina City Hall Quadrangle na nagtatampok ng iba’t ibang mga uri at disenyo ng sapatos na gawa sa Marikina. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Kasabay ng pagbubukas ng Sapatos Central ang pagsisimula ng Shoe Caravan ng Marikina na inumpisahan sa lungsod ng Valenzuela at iikot sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila. Ngayong linggo ay bibisita ito sa lungsod ng Pasig at Navotas.

Ang lahat ng produktong sapatos na mabibili sa Patio Del Zapateros, Sapatos Central sa Marikina City Hall Quadrangle, at Shoe Caravan mas mura nang hanggang 30 porsiyento kumpara sa ibang mga sapatos na mabibili sa mga komersiyal na pamilihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply