“Shot ” ni Alvarez sa PDEA at sugal sa Region 8

TULIRO na ako, parekoy, sa kaiisip kung bakit nilapastangan ng PNoy administration ang kanyang mga pangako.

KUMBINSIDO tayo na talagang magaling na basketbolista ang adik na si Paul Alvarez, ang tinagurian sa PBA na si Mr. Excitement!

Maging ang PDEA agents na nakahuli sa adik na basketbolista ay napatunayan rin na mahusay na “team players.” Hehehe. Pwe!

Biruin mo, parekoy, ilang nakasaksi sa paghuli kay Paul Alvarez ang bumulong sa atin na talagang nakalawit ito ng PDEA agents.

Pero kaagad umano itong naimaniobra ni Alvarez sa pamamagitan ng isang matining na “dunk shot.”

At talaga namang epektibo, parekoy, dahil “buslong-buslo” ito sa mga bulsa ng PDEA agents!

Kaagad nilang pinalabas na sumuko umano si Alvarez sa PDEA agents para maipasok sa rehabilitation center!

Suriin natin ito, parekoy: ang isang adik na celebrity na gustong magpa-rehab ay bakit kinakailangan pang sumuko sa PDEA para maipagamot?

Hindi ba’t inilalantad lamang niya sa kahihiyan ang kanyang sarili? Bagay na imposibleng gawin ng mga celebrity!

Dahil ang kauri nila ay basta na lamang nawawala sa paningin ng madlang pipol kung sila ay nanganganak o nagpapapasok sa rehab!

At pagkatapos ng kanilang pinagdaanan ay saka muling lulutang, iiyak-iyak sa kamera at muli na namang papalaot!

Kaya nga, kung talagang seryoso si Gen. Cacdac na linisin ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ay dapat niyang imbestigahang mabuti ang kaso ni Paul Alvarez!

Tiyak magkakaroon siya ng Excitement! Hak, hak, hak!

-o0o-

SANDAMAKMAK ang reklamo na ating natatanggap ka-ugnay ng talamak na iligal na sugal sa buong Region 8.

Uulitin ko po, PNP Chief Dir. General Nicanor Bartolome, buong Region 8.

Swertres bookies po ito sir na ayon sa mga reklamo na ating natanggap ay may basbas mula sa lokal na mga politiko at mga hepe ng pulis-ya hanggang sa mismong Regional Director ng PNP.

Abangan simula bukas dahil ating ilalatag ang lahat ng pangalan at protectors ng nasabing gambling lords.

-o0o-

REACTION / SUMBONG 09152121303/09098992775 jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply