Sibakan sa RPN9, iaapela kay PNoy

UMAAPELA ngayon kay Pangulong benigno Aquino III ang mga kawani sa pangunguna ng Supervisors Union ng RPN 9  kaugnay sa nakatakdang “retrenchment”  na ipatutupad ng kompanya na mahigit na 200 empleyado ang maapektuhan.

Sinabi ni Raymon Tomale Jr,Presidente ng RPN 9 Supervisors Union at secretary General ng National Alliance Broadcast Union hindi umano sinunod ng RPN 9 management ang umiiral na Collective Bargaining Agreement(CBA).

Dagdag pa ni Tomale na alinsunod sa labor code ay dapat aniyang may sapat na batayan ang pagpapaalis sa isang empleyado.

Gayundin,hindi umano sinusunod ng management ang separation benefits ng mga empleyado.

“Ang nakakalungkot magpa pasko pa naman pagkatapos ay tatanggalan sila ng trabaho”,ayon kay Tomales.

Nabatid lalong naging miserable ang kalagayan ng mga empleyado ng isa pribado ang kumpanya na sa kabila na may natitira pang 34% share ang gobyerno ay hindi na kinikilala ang CBA ng union.

Bagama’t sa probisyon ng CBA nakasaad na kahit na sino pa man ang mag take-over sa RPN 9 mananatili na “existing” ang umiiral na CBA.

Ayoan pa kay Tomale, lumapit na rin sila sa Department of Labor and Employment (Dole) upang hilingin na huwag munang  payagan  ang management ng RPN9 na ipatupad ang retrenchment hanggang walang nabubuong agreement.

Nabatid na nakatakdang tanggalin ang mga empleyado sa Nobyembre 15, ngayong taon.

“Dapat staus quo muna lahat wala munang tatanggalin hanggang walang agreement, tutal may mga willing namang umalis,” ayon pa kay Tomales.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply