Signal No. 1 nakataas sa Batanes, Zambales dahil sa bagyong Marce

LALONG lumakas ang Bagyong Marce habang halos walang pagbabago ang galaw nito na naging dahilan para itaas ang public storm warning signal number 1 sa Bataan at Zambales.

Kaugnay nito, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 260 kilometro Kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay ang lakas ng hangin umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pabugsong 120 kilometro kada oras.

Mabagal na kumikilos ang Bagyong Marce sa direksyong pa-kanluran-Timog-Silangan sa bilis na tatlong kilometro bawat oras.

Inaasahang pagsapit ng Biyernes ng gabi ito ay nasa 570 km west of Iba, Zambales o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) .

Kasabay nito, mahigpit pa rin ang babala ng PAGASA sa mga mangingisda at sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot lalo na sa Western Seaboard ng Luzon sanhi ng malalaking pag-alon dulot ng Bagyong Marce.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply