Simbahan todo-handa sa canonization ni Calungsod

PUSPUSAN na ang paghahanda ng Simabahang Katolika sa Pilipinas para sa nalalapit na canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

Ayon kay dating Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, nasa Vatican na rin ang tatlong talampakang imahe ni Calungsod at sa Oktubre 21 sa St. Peter’s Basilica gaganapin  ang canonization ni Blessed Calungsod para ganap nang kilalaning Santo.

Pangungunahan naman ni Pope Benedict XVI ang canonization.

Matapos ang canonization ay ibabalik sa Pilipinas ang imahe ni Calungsod mula Vatican at iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa hanggang sa katapusan ng Nobyembre kung saan magkakaroon naman ng thanksgiving mass.

Sa naturang malaking pagtitipon ay iimbitahan naman ng archdiocese ng Cebu ang lahat ng obispo ng Simbahang Katolika sa bansa at iba pang dignitaries

Si Blessed Pedro Calungsod ay isang layko at missionary na katekista na kasamang pinatay nina Blessed Diego De San Vitores at isang Kastilang Jesuit priest sa Guam noong taong 1672.

Kasama sa selebrasyon ng mga Pinoy sa pagiging santo ni Calungsod ay ang Guam kung saan nangyari ang pagiging martyr nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply