Simula na ang Del Pasko 3 sa Marikina next week

ANG pamahalaang lungsod ng Marikina ay may sariling taunang pagdiriwang ng Undas at isang malaking okasyon ito para sa amin.

Ayon kay Noli Mirafuente ng Mayor’s Office, sa Ika- 29 ng Ok-tubre, may nakatakdang Halloween Treat sa Freedom Park sa umaga kung saan may pamimigay ng kendi sa mga batang iikot sa mga tanggapan, may magician na gagawa ng balloon sculpting, may photo booth at sampling ng halloween maskara. Mayroon ding dogs’ halloween costume contest sa small breed at large breed category.

Alas singko ng hapon naman ang Halloween Costume Parade 2012 pagkatapos ng rehistrasyon ng mga lalahok sa patimpalak para sa mga kategoryang pambata, pangmatanda, pang-grupo at mga nakabisikleta. Gagawaran ng premyo ang mga magsisipagwagi sa Patio del Zapateros.

Ang parada ay magsisimula sa Freedom Park, kanan sa Shoe Avenue, kaliwa sa Sumulong, kaliwa sa J.P. Rizal, diretso hanggang sa Patio del Zapateros katabi ng Shoe Museum. Nakagaganyak ang mga nakalinyang aktibidad sa ating Annual City Halloween Celebration 2012 na tiyak na ikalululugod ng lahat.

Kanya-kanya ng preparasyon ang iba’t ibang opisina at departamento sa kanilang gayak upang maging makulay at masigla ang pagdiriwang. Ganyan natin nais ipagdiwang ang bisperas ng Undas.

Sa kabilang panig, huwag nating kalilimutan ang seryoso at mataimtim na uri ng paggunita sa alaala ng ating mga namayapang mahal sa buhay sa araw ng Undas.

Dumalaw tayo sa mga puntod nila na may taos-pusong paggalang. ‘Di dapat gawing tila may party sa mga nitso at musoleo. Iwasan nating gawing sugalan at inuman ang mga puntod.  Pati na malalakas na musika at maingay na halakhakan ay ‘di rin katanggap-tanggap. Malaking istorbo sa mga katabing dumadalaw na nagsisipagnilay sa alaala ng kanilang mga yumao. Minsan lang sa isang taon ang Undas kaya gawin nating may parteng masaya pero may bahagi ring mataimtim. Hindi kailangang magarbo ang pagdalaw sa libingan.

Kahit simpleng kandila at pumpon ng bulaklak kalakip ang panalangin ay sasapat upang maging makabuluhan ang paggunita sa Araw ng mga Patay.

Nais ding batiin ni Mayor Del R. De Guzman at iba pang opisyales ng Marikina ang ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang nila ng Eid Al-Adha (Feast  of Sacrifice) na ginugunita naman ang matinding pagsubok ng Maykapal kay Abraham nang iutos niyang gawing sakripisyo sa kanya ang sariling anak.

Nguni’t sa huli ay binawi rin at sa halip isang tupa ang kinitlan ng buhay bilang kapalit.

Tulad ng ginawa ni Abraham, may pinapatay ding hayop subali’t binibigyan ang mga kaibigan at ibang tao lalo na ang mahihirap bilang sakripisyo. Simbolo ito ng pagbabagi sa iba ng mga biyayang natatanggap mula kay Allah.

Kahit tayong mga Kristiyano ay dapat isaalang-alang ang naging pagsubok kay Abraham at ang aral na dulot nito.  Maligayang Eid Al-Adha sa ating lahat.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply