Sin Tax Bill aprub na sa Senate committe

LUSOT na sa Senate committee on ways and means ang Sin Tax Bill o panukalang batas na naglalayong patawan ng matataas na buwis ang produkto ng alak at sigarilyo sa bansa.

Ani Sen. Ralph Recto , kikita ang pamahalaan ng hanggang sa P20 billion sa unang taon ng implementasyon sakaling maisabatas ang panukala.

“All told, our Committee Report predictably and responsibly could generate in the first year between P15 billion to P20 billion,” bagamat inamin din nito na maaari pang amyendahan pagdating sa plenaryo.

“We will be recommending a Senate version to the plenary and we are open to amendments from our colleagues considering the limited time we had because of the impeachment,” anang senador.

Ang nabuong rekomendasyon ng committee ni Recto ay kasunod ng mga ginawang pagdinig mula sa mga stakeholders, civil society, finance department, pati ang mga sektor na maaring maapektuhan ng panukala.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply