PNoy umaasang mapagtitibay ang Sin Tax Bill bago ang 2013 polls

MALAKI ang paniwala ni Pangulong Benigno Aquino III na mapagtitibay ng Kongreso ang mas magandang bersyon ng Sin Tax Bill bago sumapit ang 2013 Midterm Elections.

Ayon sa Pangulo, walang dapat ikatakot ang mga re-eleksyonistang senador sa pagsuporta sa panukala dahil ito rin naman ang gusto ng publiko.

Una rito ay nagbanta ang mga sectoral group, kabilang na ang Progressive Aliance for Regressive Taxation na nagsabing hindi makaka-asa ng boto ang mga mambabatas na papabor sa Sin Tax Bill.

Matatandaang isinusulong ng Malakanyang na taasan ang buwis ang mga tinaguriang sin products para mapaglaanan ng mas malaking pondo ang laki ng gastusin at dami ng mga taong nagkakasakit dahil sa sigarilyo at alak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply