Sin tax is anti-cancer tax

SINA Engineer Emer Rojas, President ng New Vois Association, Dr. Tony Leachon (DOH Consultant), Dr. Maricar Limpin of FCAP, and tobacco victims Augusto Mallari, Danny Segusmundo at Eugene Tungcul ay nagpakita ng malakas na pagtanggi sa unti-unting paglamig ng naturang panukalang batas.

Sila rin ang mga taga pag-taguyod ng kalusugan at mga bikitma na nagpakita ng tiwala at pagsang-ayon ukol sa Sin Tax Bill.

Ang pinsalang dulot ng paninigarilyo sa ating katawan lalo na ang “second-hand smoke”.

Taglay ng bawat yosi ang may 4,000 iba’t ibang klase ng kemikal na 50 sa mga ito ay inuuri bilang car-cinogens o nagdudulot ng kanser at nakalalason gaya ng Benzene, Formaldehyde, Ammonia, Acetone, Tar, Carbon Monoxide, Nicotine at marami pang iba.

Mahigit na 40 chemicals sa usok ng sigarilyo ang nagpapakita na nagiging dahilan ng cancer. Ang mga nanini-garilyo ay maka-20 beses na halos may tsansang magkaroon ng cancer sa baga.

Ang paninigarilyo ay 90% na dahilan ng cancer sa baga sa mga lalaki at 8% naman sa mga babae. Ayon pa sa pag-aaral ang mahabang panahon ng paninigarilyo ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa pagkakaroon ng cancer sa nasal at paransal cavities; oral cavity, nasopharynx; oro at hypopharynx, larnyx, oesophagus, stomach, pancreas, kidney at breast cancer.

Ayon kay Engr. Emer Rojas, isang Global Cancer Ambassador, ang cancer ay walang pinipiling biktima, mayaman man o mahirap. Maaari itong dumapo nang walang babala.

Ngunit ang cancer  ay maaaring maiwasan sa pamamagitan lamang ng hindi paninigarilyo. 7.8 million katao ang namatay dahil sa cancer sa buong mundo noong taon 2007.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply