‘Sin-tax’ pangdiin sa pobre at U-2 Club namamayagpag

HINDI kaya ng konsensiya ni Sen. Ralph Recto ang panlolokong palusot ng pamahalaan ukol sa “sin tax bill” kaya nilayasan nito ang Ways and Means Committee.

Sa totoo lang, parekoy, ang P60 bilyong target sa buwis ng sigarilyo at alak ay hindi lamang kontra-mahirap.

Ito ay pro-smuggler pa!

Dahil maliwanag na hindi kakayanin ng pobreng magyoyosi ang magiging napakamahal na presyo ng mga sigarilyo at alak na gawa sa Pinas. Kaya obligadong tatangkilikin nila ang mga kontrabandong yosi at alak na ipalulusot papasok sa Pinas, dahil maliban sa imported na, mura pa!

At kapag hindi na tinangkilik ng mamamayan ang ating mga “yosi” at alak hindi ba ito ay maliwanag na pagkatay sa ating industriya ng tabako at alak?

Paano na ang mga pobreng magtatanim ng tabako?

Kung hindi na makapagbebenta ng “quota” ang mga pabrika ng sigarilyo, gago ba sila para magpakalugi? Kaya kung hindi man magsara, tiyak na magbabawas sila ng mga empleyado!

Huwag nang ipilit, parekoy ‘yang palusot na kesyo ay ginagawa ito ng Palasyo para matigil na ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Bakit, hindi muna patigilin sa paninigarilyo

si PNoy para marami kaming susunod?

At kung totoo na ang napakataas na buwis ang magpapatigil sa bisyo, aba eh, bakit hindi gawing ligal ang “shabu” at tumarget din ng P60 bilyon?

May pera nang makukulekta na pampanakaw sa mga buwaya, tanggal pa ang problema sa droga, hak, hak, hak!

-o0o-

UNAWA na natin, parekoy kung bakit hindi ginagalaw ng kapulisan ang “totnakan” sa loob ng U-2 Health Club na nasa panulukan ng Macapagal boulevard, sa Parañaque City.

Libre “totnak” rin kasi ang kanilang mga opisyal maliban pa sa lingguhang parating.

Ang hindi natin maunawaan, bakit pati si Mayor Bernabe ay kailangang magbulag-bulagan, gayung nanganganib ang kalusugan ng kanyang mga nasasakupan!

Nakatototnak rin ba at may lingguhang parating si yorme?

Ang hirap paniwalaan, kaya lang, ano naman ang dahilan nang pananahimik niya?

Oppps, sandali parekoy, diyan daw pala sa U-2 ay may mga supergandang babae na nakalaan para sa mga VIP!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply