Sina Batman at Robin sa DOLE

MAY ilang isyu na ang nakararaan ay tinalakay natin sa kolum na ito ang mga mabuting ginagawa ni Labor Secretary Rosalinda D. Baldoz sa kanyang kagawaran.

At isa sa talagang pinaka-iingatan ni Sec. Baldoz ay maisama ang DOLE sa listahan ng mga pinaka-corrupt o tiwaling tanggapan ng pamahalaan.

Kaya naman mahigpit ang kampanya niya laban sa lahat ng uri ng katiwalian pero sa kabila ng kanyang pagsisikap na linisin ang imahe ng DOLE ay may mga tauhan siyang hindi pabor sa kanyang kampanya.

Gaya halimabawa nitong sina Batman at Robin ng DOLE na talaga namang isinusuka na
ng napakaraming nabiktima nila.

Hindi gaya ng orihinal na Batman at Robin na tumutulong sa mga mahihirap at inaapi, ang Batman at Robin ng DOLE ay kabaligtaran naman nila.

Kasi, ireng Batman at Robin DOLE version ay dynamic duo rin daw pero hindi sa pagtulong sa mga naaagrabyado at naaapi kundi para lalo pang agrabyaduhin ang mga naaapi! Ngek!

Nagpapakilala na mga abogado ang mga kumag at ini-intercept ang mga overseas Filipino workers at mga pamilya nito na narito sa bansa, na lumalapit sa departamento para humingi ng tulong.

At ayon pa sa source, hindi lang mga OFW at pamilya nila ang nagogoyo ng mga kumag na ito kundi pati mga employer at mga agency ay wala ring ligtas sa kanila.

Ang raket ng mga kumag ay magpakilala na may direktang kontak kay Sec. Baldoz at kung isa kang OFW o pamilya nila at kailangan mo ng tulong ay dapat dumaan ka muna sa kanila.

Sa panig naman ng mga employer at agency ay tinatakot nila ang mga ito at kapag hindi sila inayos ay guguluhin nila ang buhay ng mga ito at siyempre ay gamit din nila ang pangalan ni Sec. Baldoz.

Itong si Batman ay isang tulisan na walang inisip at ginawa sa DOLE kundi ang gumawa ng pera samantalang itong si Robin naman ay isang lampang utu-uto ni Batman na swapang din sa pera.

Marami pang raket sina Batman at Robin at unti-unti nating ibubunyag.

At talaga nga namang iikot ang inyong bituka sa pandidiri sa mga kabulastugan nitong mga kolokoy na ito.

Pero ngayon na sinimulan na nating ibunyag ang mga kalokohan ng mga kolokoy, ay inaasahan naman natin na paiimbestigahan kaagad ni Sec. Baldoz ang dalawang ito.

Puwede niyang simulan ang imbestigasyon sa pagtatanong-tanong mismo sa loob ng DOLE at madali naman niyang malalaman kasi hindi naman mga atorni ay ang lalakas ng loob na magpakilalang mga abogado.

Ang importante ay maputol na agad ang kabulastugan ng dalawang ito bago maging huli ang lahat.

Nakatakda pa naman ang balasahan sa Gabinete at baka makasama pa sa masisibak si Secretary Baldoz dahil sa kalokohan ng mga ito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply