Singil sa birth certificate, pasaporte tataas

IKINAALARMA ng isang kongresista ang panibagong pagtataas sa bayad sa birth certificate at iba pang dokumentong iniisyu ng National Statistics Office (NSO) gayundin sa pasaporte na kinukuha naman sa Department of Foreign Affairs.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Aquino ang Administrative Order 31 na nagbibigay awtorisasyon sa mga ahensya ng gobyerno na magdagdag ng singil.

Ani Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino “Administrative Order No. 31 has far-reaching effects – from the cost of acquiring NSO-certified birth certificates, to passport processing and even document certification in various government offices – all of these fees may soon increase because of PNoy’s order.”

Pagpapakita lamang ito ayon kay Palatino na si Pangulong Aquino ay insensitibo sa pangangailangan ng masa.

Dahil dito agad na nanawagan si Palatino kay Pangulong Aquino na bawiin ang AO No. 31.

“It is ironic that the government, which should supposedly be at the forefront of providing basic services to the people, would be the one to impose such fee hikes. The youth condemns such an insensitive action,” ayon kay Palatino.

Hindi rin aniya makatarungan nag awing gatasan ng gobyerno ang mamamayan.

“May bago na ngang panukalang sin tax, dadagdag pa ito. Paano na ang mga maliliit nating kababayan, na walang-wala?”

Giit pa ng kongresista na hindi practical para sa kalagitnaan ng krisis ang pagtataas sa bayad ng mga dokumentong dapat kunin sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno lalo pa’t lumalawak ang bilang ng mga walang trabaho.

Pinangangambahan din ni Palatino na gumaya sa mga ahensya ng gobyerno ang mga state universities and colleges (SUC) na magtaas din ng matrikula at Miscellaneous fees.

“With this order, the administration of SUCs may again justify the imposition of new and higher fees.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply